
Alinsunod sa pambansang pagsisikap na mapunan ang digital na agwat, inilunsad ng Globe at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Bayanihan SIM initiative sa Kalawakan Elementary School sa Doña Remedios Trinidad, isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA) sa Bulacan.
Sa tunay na diwa ng bayanihan, ang GCash, Department of Education, Department of the Interior and Local Government, at Philippine Statistics Authority ay nakipagtulungan sa DICT at Globe para sa kickoff event na ito, na naglalarawan sa sama-samang pagsisikap upang punan ang digital na agwat. Ang ceremonial launch ay tinampukan ng pamamahagi ng Globe-powered TM SIMs, na ang bawat isa ay may 25GB na open-access data kada buwan, sa 500 estudyante, guro, at magulang.
Ang SIM card ay in-activate sa lugar, kung saan tumulong ang mga tauhan ng Globe sa pagrerehistro at pagsasaayos ng data. Tumanggap din ang mga benepisyaryo ng karagdagang 5GB sa oras ng activation, at may pagkakataon silang ma-unlock ang karagdagang 15GB sa pamamagitan ng pag-load ng P150 kada buwan sa unang tatlong buwan— nagpapalakas sa layunin ng programa na hikayatin ang digital habits, literacy, at inclusion sa mas malawak na sakop.
Ang inisyatiba ay nakabatay sa Republic Act No. 10929, o ang Free Internet Access in Public Places Act, at naglalayong isulong ang digital inclusion sa pamamagitan ng pagpapadali sa pagkatuto, kabuhayan, at pag-access sa mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa mga liblib na komunidad.
Bukod sa imprastruktura, ang Bayanihan SIM ay dinisenyo upang lumikha ng tunay at araw-araw na epekto. Sa pagkakaroon ng koneksiyon, maaaring mag-stream ang mga mag-aaral ng mga aralin sa DepEd TV, mag-access sa Khan Academy para sa dagdag na pagkatuto, o makiisa sa online na group work sa Facebook Messenger. Ang mga guro naman ay maaaring magsagawa ng digital classes, dumalo sa online training sessions sa platforms tulad ng Zoom. Samantala, ang mga magulang ay maaaring tumuklas ng livelihood at financial tools sa pamamagitan ng online Facebook group ThisisKwela, maka-access sa GCash para sa ligtas na digital transactions, at makipag-ugnayan sa e-commerce, fintech, at health-tech platforms upang mapabuti ang kalidad ng kanilanh buhay.
“Guided by the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to ensure that no Filipino is left offline, this initiative goes beyond simply distributing SIM cards, it is a bold step toward closing the digital divide for millions of our countrymen,” wika ni DICT Secretary Henry Aguda. “Through our partnership with Globe, we are ensuring that even the most underserved communities are included in the country’s digital future.”
Sa unang pagkakataon ay nagkakaloob ang pamahalaan ng infrastructure subsidies sa telcos upang tumulong na punan ang connectivity gaps sa GIDA communities. Sa buong industriya, ang programa ay inaasahang susuporta sa pagpapalabas ng isang milyong SIMs, ang bawat isa ay may 25GB monthly data, at magbibigay-daan sa pagtatayo ng mga bagong tower sa mga lugar na walang serbisyo, habang pinahuhusay ang performance ng network sa mga lugar na may limitadong serbisyo.
“Globe is proud to lead the industry in this milestone program in partnership with the government,” sabi ni Globe President and CEO Carl Cruz. “We believe that access to connectivity should not depend on geography. Through our infrastructure, our platform, and strong collaboration with the public sector, we are enabling opportunities where it’s needed most and turning digital inclusion from vision to reality.”
Sa ilalim ng Bayanihan SIM initiative na makikinabang ang higit sa 333,000 indibidwal sa buong bansa at suportado ng mga partner gaya ng DICT at DepEd, patuloy ang Globe sa pagpupursige para sa patas na digital na access—tinitiyak na walang Pilipino ang mahuhuli o maiiwan sa konektadong mundo ngayon.
“Globe is here not just to provide signal—but to build opportunity, one community at a time,” ani Cruz.









