‘Bayanihan to Recover as One Act,’ lusot na sa House Committee of the Whole

Inaprubahan na ng House Committee of the Whole ang panukalang magbibigay ng pondo para sa muling pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 crisis.

Sa ilalim ng House Bill 6953, pinapalawig nito ang validity ng naunang ‘Bayanihan to Heal as One Act.’

Ayon kay House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte, ang panukala ay itinuturing na “enhanced” version ng naunang Bayanihan Law.


Nakapaloob sa panukala ang ₱162 billion na standby fund na gagamitin para suportahan ang operations at response measures para matugunan ang health crisis.

Magbibigay rin ito ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 subsidy kung saan sakop ang lahat ng apektado ng pandemya kabilang ang mga low-income families, returning OFWs, at ‘no-work, no-pay’ individuals.

Kapag naisabatas, magiging epektibo lamang ito hanggang September 30.

Facebook Comments