Bayaning Filipino surfer at pulis, ginawaran ng pagkilala ng Senado

Manila, Philippines – Ginawaran ng Senado ng pagkilala ang 25-anyos na Filipino surfer na si Roger Casogay matapos nitong sagipin ang Indonesian na kalaban sa Southeast Asian Games.

Nakapaloob ang papuri at pagmamalaki ng Senado kay Casogay sa Senate Resolution 230 at 258 na iniakda nina Senators Nancy Binay at Christopher Bong Go.

Bukod dito ay nagpasa din ang Senado ng resolusyon na kumikilala naman sa kabayanihan ni Police Senior Master Sergeant Jason Magno.


Si Magno ay nasawi makaraang gawin nitong panganggalang ang sarili para maligtas ang mga inosenteng buhay sa isang paaaralan sa Misamis Oriental.

Sa naturang insidente ay nagpasabog ng granada ang nagwawalang lalaki na nakilalang si Ampaso Basher.

Nakasaad sa resolusyong inihain nina Senators Panfilo Lacson, Bong Go, Bong Revilla at Sonny Angara na kahanga hanga at dapat tularan ang pagtupad ni Magno sa kanyang tungkulin bilang alagad ng batas.

Facebook Comments