Bayarin ng mga pasyente sa level 3 public hospitals sa bansa, sasagutin na ng pamahalaan ayon kay PBBM

Wala nang babayaran ang mga pasyenteng sa lahat ng level 3 public hospitals sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Agri-puhunan at Pantawid Program sa Nueva Ecija kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-animnapu’t pitong kaarawan ngayong araw.

Ayon sa Pangulo, kasama sa level 3 public hospitals ay ang Dr. Paulino Garcia Memorial & Medical Center sa Nueva Ecija.


Ilan pa sa level 3 public hospitals ay ang Philippine General Hospital (PGH) at marami pang iba.

Hindi naman nabanggit kung hanggang kailan ang magiging saklaw ng libreng bill ng mga pasyente sa level 3 hospitals.

Ayon sa Pangulo, layunin nilang matulungan ang mga Pilipinong may pangangailangang medikal.

Facebook Comments