Manila, Philippines – Nadadawit na rin ang bayaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy Aquino III na si Eldon Cruz, asawa ni Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, sa P8.7 billion road-right-of-way scam.
Ayon sa testigong si Roberto Catapang, si Eldon Cruz na madalas na mabanggit ang sa mga transaksyon para sa claim ng RROW gamit ang mga pekeng titulo ng lupa sa General Santos City.
Sa kanyang pagharap sa media sa Department of Justice, ipinakita ni Catapang ang isang liham na may lagda ni Cruz.
Ang nasabing liham na may petsang January 13, 2011 ay naka-address kay dating Public Works Secretary Rogelio Singson.
Nakasaad sa liham ang pagbabayad sa mga right-of-way claim sa mga property na tatamaan ng infrastructure project sa General Santos City.
Tatlong liham aniya ang may pirma ni Eldon Cruz at ang isang liham ay may letterhead ng Malacañang.
Si Eldon Cruz sinasabing isa sa mga koneksyon ng mga sinasabing pinuno ng sindikato na sina Wilma Mamburam at Nelson Ti na financier ng grupo at sinasabing malapit na kaibigan ni Dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kasama rin sa mga ipinakitang dokumento ni Catapang ang liham ni Singson kay Abad noong December 23, 2013 para sa pagpapalabas ng P513.9 million bilang kabayaran sa mga RROW claim sa General Santos City.