Inalis na ang red tide advisory sa baybaying tubig ng Bolinao at Anda, Pangasinan matapos mag-negatibo sa red tide toxin ang mga kinuhang sample ng shellfish.
Ibig sabihin, ligtas na itong kainin at maaari na ring muling mag-ani at magbenta ang mga lokal na mangingisda.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring katuwang ang mga lokal na pamahalaan para matiyak na nananatiling ligtas ang mga produktong dagat sa nasabing lugar.
Paalala pa rin sa publiko, siguraduhing sa lehitimong tindahan at awtorisadong supplier bumibili ng shellfish para sa dagdag na seguridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










