Nananatiling ipinagbabawal at hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na galing sa baybaying dagat ng Bolinao at Anda sa Pangasinan.
Ito ay batay sa Shellfish Bulletin No. 7 na inilabas kahapon Marso 31, 2026 ng BFAR, matapos makumpirmang positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poison o red tide toxin ang mga nasabing produkto.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha, pagbebenta, pagbibiyahe, at pagkain ng shellfish at alamang mula sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang panganib sa kalusugan.
Samantala, ligtas namang kainin ang mga isda, hipon, pusit, at alimango na mula sa parehong lugar, basta’t sariwa, maayos na nalinis, at naluto nang mabuti.
Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging maingat at sumunod sa babala upang maiwasan ang pagkalason dulot ng red tide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










