BAYBAYIN NG PANGASINAN, LIGTAS SA RED TIDE; PRESYO NG ILANG ISDA, TUMAAS

Nananatiling ligtas mula sa banta ng toxic red tide ang mga shellfish products mula sa Pangasinan.

Base sa Shellfish Bulletin No. 32, s of 2024 ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA – BFAR) Region 1, malaya mula sa red tide ang mga shellfish mula sa mga coastal at mariculture areas ng bayan ng Infanta, Bolinao, Anda, Sual, Bani at Alaminos City.

Ibig sabihin ay maaari itong maibenta sa merkado dahil ligtas itong kainin.

Kaugnay nito, ilang isda ang nakitaan ng bahagyang pagtaas sa presyo.

Sa Dagupan City, tumaas ang kada kilo na nasa P100 kumpara sa dating presyo nito na P80.

Tumaas din ang kada kilo ng tahong na ngayo’y naglalaro sa P70 hanggang P80.

Walang paggalaw sa lukan o mussels na nasa P70 at tubing-tubing na P50 ang kada kilo.

Samantala, isa ang talaba sa mga tinatangkilik ng mga Pangasinense maging mga turista ngayong Holiday Season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments