BAYWATCH PATROL NG PCG PANGASINAN, MAS PINAIGTING

Mas pinaigting pa ng Philippine Coast Guard (PCG) Pangasinan ang kanilang Baywatch Patrol para antabayanan ang lagay ng sitwasyon sa mga baybayin sa lalawigan ngayong inaasahan ang dagsa ng mga beachgoers ngayong summer vacation.

Nagbigay-paalala ang PCG Pangasinan sa mga Pangasinenses at iba pang mga turistang dadayo sa mga baybayin sa lalawigan.

Ilan sa mga ito ang pagtitiyak kung ang pupuntahang bahagi ng mga dagat ay may naka standby na mga lifeguard at mga life saving equipment kabilang ang first aid kit sakaling kailanganin sa oras ng emergency.

Maging maalam sa mga safety signages na nakapwesto sa mga bahagi ng dagat upang maalerto sa mga posibleng restricted areas na maaaring magdulot ng trahedya.

Dagdag pa ng pamunuan, kung mayroong dinadaanan ng mga jetski o bangka, mangyari lamang na huwag pumunta rito.

Hinimok din ang lahat ng mga matatanda na may kasamang bata na palagiang bantayan ang mga ito, at huwag hayaang malayo sa mga kasama.

Iginiit din ang hindi dapat paglangoy kung nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Tiniyak ng PCG Pangasinan na nakaantabay ang ahensya sa anumang pagkakataong kinakailangan ng pagresponde.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments