Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa mga flag ceremony, posibleng paraan para ipamukha sa publiko na hindi masama ang Martial Law, ayon sa isang political analyst

Posibleng ang pag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na isama sa flag ceremony ang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge ay paraan nito para ipakilala sa publiko na isama ang Martial Law.

Ito ang inihayag ni Atty. Edward Chico, isang political analyst, sa panayam ng RMN Manila kasunod ng pagkukumpara ng Bagong Pilipinas Hymn sa Bagong Lipunan propaganda noong panahon ng Martial Law.

Ayon kay Chico, speculative lamang ang mga nasabing naratibo pero hindi aniya maiiwasan ang mga ganitong klase ng agam-agam dahil sa naging kasaysayan ng bansa.


“When Martial Law was declared noong ushering in this so could Bagong Lipunan or new society, ang isa sa mga unang panukala na ginawa ng Pangulong Marcos ay magkaroon ng sariling hymn at pledge na siyang magiging pamantayan ng ika nga ay sama-samang pagbubuo ng bansa o konsepto ng nation boot at nationalism so siyempre kapag ginagawa ito ng Pangulo, aalala natin ‘yon. And it may certainly leave a bad taste in the mouth.”

Hindi rin aniya siya naniniwala na taktika ang Bagong Pilipinas hymn para magkaroon ng panibagong Martial Law.

Paliwanag ni Chico, kung titingnan ang umiiral na political landscape sa ngayon ay hindi na napapanahon sa isang pamahalaang diktatoryal ang Pilipinas.

“Ang ating paradigm, ang ating political landscape even from a global stand point ay hindi na conducive to a dictatorial regime, hindi na ganyan ang panahon nag-iba na talaga, with the emergence of social media and whatnot. Pangalawa, hindi ko nakikita na magiging epektibo yan kung ipipilit ‘yan ng ng Pangulong Bongbong Marcos. Pangatlo, nakikita ko rin na base sa kanyang polisiya, pati sa kanyang demeanor, parang hindi ‘yon ang ruta na gusto niyang tahakin.”

Facebook Comments