Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, maituturing na isa sa maipagmamalaking pangyayari sa kanyang buhay ang kanyang kontrobersyal na interview sa programang ‘Hardtalk’ ng British Broadcasting Company o BBC.
Ito ang iginiit ni Senator Trillanes makaraang ipangalandakan ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte na napahiya siya sa nasabing interview.
Ayon kay Trillanes, nagmamagaling ang kanyang mga kritiko pero wala rin namang ibubuga.
Tanggap ni Trillanes ang ibat ibang opinyon ukol sa nasabing interview kung saan ang mga galit sa kanya ay mananatiling galit at ang mga naniniwala sa kanya ay hindi matitinag.
Aminado si Trillanes, na mahirap para sa sinuman ang maging guest sa nabanggit na BBC talkshow na napaka-popular.
Gayunpaman naniniwala si Trillanes na malaki ang naging epekto ng kanyang interview sa global audience.
“I can honestly say that it is one of the proudest moments in my public life. Setting aside the trolls, the critics who gave very negative feedback presume that they can do better. But we very well know that they cannot. So, we march forward,” ayon kay Trillanes.