Pag-aralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bilang ng kabataan sa bansa na gumagamit ng vape.
Ito ay kasunod ng naitalang kauna-unahang vape-related death sa Pilipinas, na isang 22 years old na lalaking inatake sa puso na nasira ang baga dahil sa vape.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DTI Assistant Secretary Atty. Amanda Nograles, kung matutukoy ng pamahalaan ang bilang ng kabataang gumagamit ng vape ay malalaman din nito ang bilang na kailangang tutukan at mapigilan.
Batay aniya sa Republic Act No. 11900, ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng vape sa mga menor de edad.
Pero sa ngayon, tanging ang mga nagbebenta ng vape lamang ang maaaring hulihin at hindi ang bata.
Nanawagan naman ang DTI na isumbong sa kanilang consumer care hotline 1384 o consumercare@dti.gov.ph ang sinumang makakakita ng nagbebenta ng vape sa kabataan.