BBL | Ekonomiya sa Mindanao, inaasahang mataas ang iaangat kapag naging ganap na ang Bangsamoro Basic Law

Naniniwala si Anak Mindanao Partylist Rep. Amihilda Sangcopan na malaki ang maitutulong ng pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law para sa ikalalago ng ekonomiya sa Mindanao.

Ayon kay Sangcopan, malaki ang magagawa ng BBL para sa ikalalakas ng pagnenegosyo sa rehiyon.

Bagamat hindi pa syento por syento ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao pero makikita naman na ginagawa ng gobyerno ang lahat para wakasan ang insurgency at pagrerebelde sa rehiyon.


Sinabi pa ng lady solon na wala pa man ang BBL ay maganda-ganda na ang pagnenegosyo sa Mindanao region.

Aniya, maraming investors ang namumuhunan sa Mindanao at inaasahan na mas dadami pa ang mga mamumuhunan sa oras na maging ganap na batas ang BBL.

Facebook Comments