BBL, hindi dapat minamadali – Sec. Jess Dureza

34

Manila, Philippines – Inihayag ni Peace Process Adviser Secretary Jesus Dureza na hindi dapat minamadali ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law na isinusulong ng Administrasyong Duterte para magkaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Ito ang sinabi ni Dureza sa Interview sa Malacañang sa harap na rin ng batikos ng ilang grupo na napakabagal ng pagusad ng BBL sa kongreso, sinasabi pa ng mga ito na maaari namang sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala para mabilis na maisabatas.
Paliwanag ni Dureza, hindi isang simpleng bagay ang BBL na maaaring madaliin.
Mas mainam din aniyang abangan nalang magiging hakbang ni Pangulong Duterte para ito ay maisabatas at huwag itong pangunahan.
Gusto kasi aniya ni Pangulong Duterte na bago maisalang sa plenaryo ng kongreso ang BBL ay maayos na ito at tiyak na makapapasa.

Facebook Comments