Positibo at kumpyansa ang pamunuan ng Bangsamoro Transition Commission na maipapasa na sa lalong madaling panahon ang Bangsamoro Basic Law.
Ito ang ang naging pahayag sa DXMY RMN Cotabato ngayong umaga ni BTC Chairman at MILF 1st Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar kaugnay ng katatapos na pagbisita sa Camp Darapanan at sa isinagawang public consultation sa ARMM Compound nina Senate sub-committee on the BBL na si Senator Juan Miguel Zubiri, kasama sina Senator Sonny Angara, Senator JV Ejercito at Senator Risa Hontiveros.
Umaasa naman si Chairman Jaafar na sasang-ayunan na rin ng lahat ng mga Senador ng bansa ang BBL kasabay ng kanilang gagawing consultative hearings.
Kaugnay nito nangako si Sen. Zubiri na pagsisikapang maipasa sa Senado ang BBL na drafted ng BTC bago paman magtapos ang first quarter ngayong taon. Kapwa naman nagpaabot ng pagsuporta sina Sen. Angara, Ejercito at Hontiveros.
Tila nakalutang naman ngayon sa alapaap ang mga Bangsamoro kasabay nang nalalapit na abot kamay na tagumpay para sa kapayapan at kaunlaran ng Bangsamoro Homeland.
BPI ARMM Pic