BBL | Mga Pilipino, hati ang opinyon sa pagpasa ng Kongreso sa Bangsamoro Organic Law – SWS Survey

Manila, Philippines – Hati ang opinyon ng mga Pilipino ukol sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL) na tinatawag na ngayon na Bangsamoro Organic Law matapos aprubahan ng bicameral conference committee.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 31% ng respondents ang pabor na ipasa ng Kongreso ang BBL, 28% ang tutol habang 40% ang undecided.

Nagresulta ito ng net agreement score na +3 o ‘neutral’.


Lumabas din sa survey na medyo sang-ayon ang mga Pilipino na maghahatid ng kapayapaan sa Mindanao ang pagpasa sa BBL, na may moderate net agreement na +13.

Isinagawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments