BBL | Panukalang Bangsamoro Basic Law, tatalakayin sa Bicam bukas

Tatalakayin na bukas, July 9 ng bicameral conference committee ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Layunin ng panukala na buwagin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at palitan ito ng bagong Bangsamoro Region.

Ayon kay sen. Juan miguel zubiri – nakipag-ugnayan na sila sa kamara partikular kay Rep. Rodolfo Fariñas na mamumuno sa house panel.


Aniya, inaasahan niyang magiging maayos ang pag-uusap.

Si Zubiri ang mamumuno sa panig ng Senado kung saan makakasama niya sina Senador Sonny Angara, Koko Pimentel, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Francis Escudero, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Loren Legarda, at Francis Pangilinan.

Facebook Comments