BBL | Tuluyang pagpapatupad ng Bangsamoro Basic Law, malaking tulong para hindi na maulit ang Marawi siege – ayon sa PNP

Marawi – Umaasa ang pamunuan ng Philippine National Police na sa pagpapatupad ng Bangsamoro Basic Law ay malabo nang mangyari ulit ang nangyaring gyera sa lungsod ng Marawi.

Ang pahayag na ito ay ginawa ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kaugnay sa pagunita ngayong araw ng isang taong paglaya o liberation ng Marawi mula sa pagkakakubkob ng Maute ISIS terrorist group.

Ayon kay Albayalde, bagama’t mahirap aniyang mawala ang banta ng terorismo sa bansa lalo na sa Mindanao ay umaasa syang sa pamamagitan ng BBL ay matatapos ito.


Sa ngayon aniya nanatili ang threat at hindi maiiwasan lalo na sa Mindanao kaya humihingi sila ng kooperasyon sa publiko para mapigilan ang mga planong panggugulo ng mga terorista.

Sa nangyaring marawi siege 7 pulis at mahigit isang daang sundalo ang nasawi.

Facebook Comments