BBM Camp, tila mali ang interpretasyon sa desisyon ng PET – Robredo

Ipinunto ni Vice President Leni Robredo sa kampo ni dating Senator Bongbong Marcos ang naging paglilinaw ng Supreme Court (SC).

Ito ay matapos ihayag ng kampo ni Marcos na nagkaroon lamang ng ruling sa second cause of action sa kanilang electoral protest.

Sinabi ni Robredo na wala pa silang natatanggap na kopya ng resolusyon ng SC.


Pero nilinaw na aniya ng SC na mali ang interpretasyon ng kampo ni Marcos.

Iginiit ni Robredo na tuluyan nang tinuldukan ng SC na umuupong Presidential Electoral Tribunal ang protesta ni Marcos.

Gayumapaman, wala ng masasabi si Robredo kay Marcos.

Una nang inanunsyo ni SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, na mula sa 15 mahistrado, pito ang sang-ayon sa dismissal habang walo sa kanila ang sumang-ayon sa resulta.

Matatandaang sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na nagdesisyon lamang ang PET sa second cause of action at hindi sa buong petisyon.

Kailangang pagdesisyunan ng PET ang ikatlong cause of action ni Marcos hinggil sa annulment ng election results sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Facebook Comments