BBM, dadalhin ng Bulacan – Vice Gov. Alvarado

Kumpiyansa si Bulacan Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na mananalo sa kanilang lalawigan si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Alvarado na base sa kanyang paglilibot, lalo na sa malalayong lugar sa Bulacan, ay na kay Bongbong Marcos ang tiwala ng mga tao.

Kasama ni Marcos ang kanyang running mate na si Inday Sara Duterte at ang Senatorial slate ng UniTeam sa campaign rally sa Guiguinto, Bulacan, nitong Martes, March 8.


“Unang-una inaapi sila. Ayaw na ayaw po ng mga tao ang nang-aapi. We’ve only starting lalo na sa lokal, sa March 25 pa po ‘yan. If you will base it during the last election [2016 national elections] nanalo po si Marcos dito sa Lalawigan ng Bulacan,” pagbibigay diin ni Alvarado.

Noong 2016 vice-presidential race, nakakuha si Marcos ng 42.50%  o  556,480 na boto sa lalawigan at lamang kay Leni Robredo ng 190,401 votes.

Ang lalawigan ng Bulacan ang ika-lima sa vote-rich province sa nalalapit na 2022 elections na may 2,007,523 registered voters.

Facebook Comments