BBM, inanusyong tatakbo sa 2022 elections

Inanunsyo na ni dating Sen. Bongbong Marcos ang kanyang pagtakbo sa eleksyon sa taong 2022

Ito ay kahit hindi pa tapos ang kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Marcos – wala pang katiyakan kung anong posisyon ang target niya.


Aminado rin si Marcos na posibleng malabo nang umusad pa ang kanyang electoral protest at kung matatapos pa ito sa 2022.

Bago ito, humiling muli si Marcos sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) na ipawalang bisa ang resulta ng halalan sa tatlong probinsya sa Mindanao.

Mariin ding itinanggi ni Marcos na binabago nila ang kasaysayan para pabanguhin ang pangalan ng kanilang pamilya.

Mga korte ang naglilinis sa kanilang pangalan lalo na at sunud-sunod ang pagbasura ng sandiganbayan sa forfeiture cases laban sa kanila.

Binatikos din ni Marcos si VP Robredo sa isyu ng war on drugs.

Payo ng dating senador sa bise presidente, “magbasa ka muna.”

Kapag tumakbo si Marcos sa 2022 at wala pang inilabas na desisyon ang PET sa kaso ay tuluyan nang mababasura ang kanyang protesta.

Facebook Comments