Umapela si dating Senador Bongbong Marcos sa National Food Authority (NFA) na gampanang muli ang mandato nito na tiyaking sapat ang buffer stock ng bigas sa bansa.
Ayon kay Marcos, dapat bilhin ng NFA ang palay ng mga lokal na magsasaka sa tamang presyo at iimbak para pagdating ng tagtuyot at walang ani, ilalabas at ibebenta ito sa mababang halaga.
Aniya, kapag sapat ang imbak na bigas, hindi makararanas ng rice shortage ang bansa at hindi rin tataas nang husto ang presyo nito.
Bukod dito, hindi rin malulugi ang mga magsasaka.
Facebook Comments