BBM, nanguna sa mga nais iboto ng mga Pilipino sa RMN-APCORE May 2022 Elections Survey

Nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. sa isinagawang face-to-face survey ng RMN-APCORE para sa May 2022 election.

Sa survey na isinagawa noong Nobyembre 23 hanggang 29, 2021, tinanong ang 2,400 adult respondent edad 18 pataas na kung gagawin ang eleksyon ngayon, sino ang kanilang iboboto?

Nakakuha si Marcos ng 55% na boto, habang tabla sa ikalawa at ikatlong pwesto sina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno na may tig-13% na boto.


Nasa ikaapat na pwesto naman ni Sen. Christopher “Bong” Go na may 8% boto; ikalimang pwesto si Sen. Manny Pacquiao na may 4% na boto; ikaanim si Sen. Panfilo Lacson na may 3% na boto.

Pasok naman sa ikapito at ikawalong pwesto sina Ernesto Abella at Leodegario de Guzman na may tig-0.17% na boto; ikasiyam na pwesto si Norberto Gonzales na may 0.08% na boto at ika-sampung pwesto si Antonio Parlade na may 0.00% na boto.

4% naman ng mga tinanong ang undecided o wala pang napiling iboboto sa pagkapangulo.

Facebook Comments