Naniniwala si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na hindi kailangan ng International Criminal Court (ICC) na mag-imbestiga sa umano’y paglabag sa karapatang pantao sa drug war ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Marcos, tiwala siya sa hudikatura ng Pilipinas.
Aniya, hindi umano nito nakikita ang pangangailangan para sa isang dayuhan na pumunta at gawin pa ang trabaho ng ating judicial system
Ang war on drugs ng administrasyong Duterte ay sinasabing lumabag sa karapatang pantao, dahilan para magkaroon ng interes ang ICC na mag-imbestiga sa bansa.
Facebook Comments