BBM o “Bigas Biglang Mahal,” dinepensahan ni Pangulong Marcos

Dinepensahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang usapin na kung bakit mataas pa rin ang presyo ng bigas sa bansa sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ito’y matapos tanungin ng isang netizen sa kaniyang vlog na kung ang ibig bang sabihin ng BBM ay “Bigas Biglang Mahal”.

Ayon kay Pangulong Marcos, maraming dahilan kung bakit mataas ang presyo ng bigas kabilang na rito ang external factor na wala sa kontrol ng gobyerno.


Mataas din aniya ang presyo ng mga bansang nag-e-export ng bigas gaya ng Thailand at Vietnam kaya kapag umangkat ng bigas ang Pilipinas ay mataas na ang presyo nito.

Paliwanag pa ng pangulo na kapag tumaas ang presyo ng langis ay sumasabay rin sa pagtaas ang mga fertilizer at patubig kaya ito ang inaayos ngayon ng gobyerno.

Tiniyak naman nito na pinalalakas na aniya ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura upang tumaas ang ani at hindi na kailangang mag-import ang bansa.

Facebook Comments