Nanguna si presidential aspirant Bongbong Marcos Jr., sa isinagawang face-to-face presidential survey ng Pulse Asia.
Sa survey na isinagawa nitong Disyembre 1 hanggang 6, tinanong ang 2,400 adult respondent kung sino ang kanilang iboboto sakaling ngayong araw ang May 2022 elections.
Nakakuha si Marcos ng 53 percent na boto, sinundan ni Vice President Leni Robredo na may 20%.
Pareho namang nakakuha ng 8% sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao habang 6% ang nakuha ni Senador Ping Lacson.
Samantala, nasa unang pwesto rin para sa pagkabise presidente si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may 45 percent.
Pangalawa naman si Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 31% at sinundan ni si Senador Kiko Pangilinan na may 12%.
Si Doc Willie Ong ang pang-apat sa 6% habang si Lito Atienza ang pang-lima sa 1%.
Nasa 3% naman ang nagsabing hindi pa nila alam ang kanilang iboboto sa pagkabise presidente.