Nais ng UniTeam na kinabibilangan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na malibot ang mas marami pang lugar sa Pilipinas para mangampanya.
Pero hindi raw ibig sabihin nito na magkasama palagi sa iisang lugar ang BBM-Sara tandem.
Kahapon tumungo si Mayor Sara sa Batangas at nangampanya na hindi kasama BBM.
Sinabi ni Mayor Sara, strategy ng UniTeam na maghiwalay sila ng lugar na pupuntahan para mas maraming lugar silang mabibisita para mangampanya.
Paliwanag ni Mayor Sara saan man siya mapunta dala niya ang Bongbong at ganon din si BBM na dala nito ang Sara Duterte para ikampanya.
Samantala, sa pagtungo ni Mayor Sara sa Batangas kahapon ay pinangunahan nito ang inagurasyon ng Grupong Kislap at Masada bago nag-courtesy call kay Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas.
Tumungo rin si Mayor Sara sa Oriental Mindoro at nag-courtesy call sa mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Governor Humerlito Dolor at Representative Doy Leachon bago nangampanya.