BBM-Sara tandem, nagpasalamat sa suporta ng Iglesia ni Cristo at nangako ng pagkakaisa kapag nanalo sa May 9

Ipinagpasalamat nina presidential candidate Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. o BBM at vice presidential candidate Mayor Sara Duterte Carpio ang inihayag na suporta ng Iglesia ni Cristo (INC).

Para sa kanila isa itong hamon na magkaroon ng pagkakaisa sa bansa at mas maging masigasig sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin kapag nanalo sa May 9 election.

Kahapon naglabas na official endorsement ang INC na sumusuporta kina BBM at Sara habang sila ay abala sa ginawang miting de avance sa Guimbal Iloilo.


Sinabi ni Marcos na nagpapasalamat siya kapatirang Iglesia sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan na si Eduardo Manalo.

Ayon naman kay Mayor Sara, isang malaking karangalan ang mapili ng INC para suportahan kaya naman kailangan nilang mapag-isa ang mga pilipino para maitawid ang krisis dulot ng pandemya kapag nanalo sa May 9 election.

Pagtitiyak nina Marcos Jr., at Sara Duterte-Carpio na hindi nila sisirain ang tiwalang ibinigay ng INC sa halip tatapatan nila ng tunay na pagkakaisa at pagmamahal sa Pilipinas.

Facebook Comments