BBM-Sara tandem, nangunguna pa rin sa RMN – APCORE pre-election survey

Nananatiling nangunguna si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race sa ika-apat na pre-election survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).

Sa survey na isinagawa noong Abril 1 hanggang 4, 2022, nakakuha si Marcos ng 59% mula sa balance Luzon, National Capital Region, Visayas, at Mindanao.

Sinundan ito ni Vice President Leni Robredo na may 20.7%; Manila Mayor Isko Moreno na may 8.3%; Senator Manny Pacquiao na may 4.2% at Senator Ping Lacson na may 1.8%.


Nasa 5.5% naman ang nagsabing undecided pa rin sila kung sino ang pipiliing pangulo habang walang isang porsyento ang nakuha ng nalalabing mga kandidato.

Samantala, nanatili rin si Davao City Mayor Sara Duterte na nangunguna sa mga kandidato sa pagkabise presidente.

 

Nakakuha si Duterte ng majority score na 57.3% na sinundan ni Senate President Tito Sotto III na may 17.4%; Senator Kiko Pangilinan na may 12.8% at Doc Willie Ong na may 4.8%.

Wala namang isang porsyento ang nakuhang score ng nalalabing mga kandidato sa pagkabise presidente.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 respondents na may edad 18 pataas at may +/- na 2% margin of error at 95% confidence level.

Facebook Comments