BBM-Sara UniTeam, inendorso ng 44 na mayor ng Cebu bilang kanilang pambato sa 2022 national elections

1148

Inendorso ng 44 na alkalde sa Cebu ang BBM-Sara UniTeam bilang opisyal nilang pambato sa 2022 national elections.

Ayon kay League of Municipalities of the Philippines (LMP) Chapter President Mayor Ma. Esperanza Christina Frasco, wala nang ibang presidential candidate ngayon ang may kakayahan at karanasan na katulad ni Marcos.

Subok na aniya ang track record ni BBM matapos nitong maglingkod bilang gobernador, bise gobernador, congressman at senador.


Kaagad namang nagpasalamat si Marcos sa mga alkalde sa Cebu na sama-samang nagpahayag ng suporta sa kandidatura nilang dalawa ni Inday Sara.

Facebook Comments