BBM, tiniyak na tutulungan ang mga nabiktima ng food poisoning

Photo Courtesy: Philippine Red Cross

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin si dating Senador Bongbong Marcos sa nangyaring food poisoning kung saan hindi bababa sa 250 bisita ang nabiktima.

Ito ay kasabay ng 90th birthday celebration ng kanyang ina na si dating unang ginang Imelda Marcos na ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sinabi ni Marcos – tutulungan nila ang lahat ng mga biktima hanggang sila ay gumaling.


Kabilang sa mga inihanda sa event ay siopao, spaghetti, pork at chicken adobo na may itlog.

Nakikipag-ugnayan ang kanilang kampo sa mga apektadong bisita at tiniyak na iimbestigahan itong mabuti.

Facebook Comments