BBM, umapela sa publiko na tigilan na ang pagtawag sa mga katutubo bilang second class citizens

Nanawagan si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na itigil na ang pagkakategorya sa mga Indigenous Filipinos (IPs) o katutubo bilang second class citizens.

Ayon kay Marcos, tandaaan natin na ang IPs ang unang Pilipino at matagal na nilang tinutulungan ang mga ito.

Aniya, dapat din na ibigay sa IPs ang lahat ng karapatan at benepisyo na mayroon ang lahat ng Pilipino.


Giit pa ni Marcos, maging ang kaniyang yumaong ama ay palaging nagbibigay ng importansya sa mga IP sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kanilang mga karapatan at kapakanan.

Facebook Comments