BCPO, Aktibo sa Batas Trapiko

Baguio City, Philippines – Nagsagawa ng Philippine National Police (PNP) Checkpoint ang station 7 alas nuwebe ng umaga araw ng Martes sa harap ng City Hall, Baguio City.

Ito ay isang hakbang ng Baguio City Police Office (BCPO) upang mapaigting pa ang seguridad ng Baguio City at mabigyang disiplina ang lahat ng mga motorista. Base sa report, nabawasan ang krimen ngayon kumpara ng mga nakaraang buwan gaya na lamang ng carnap cases. Huli din sa isinagawang checkpoint ang ilang motoristang walang lisensya at expired license at ang hindi nakarehistrong mga sasakyan. Sinita rin ang ilang mga motoristang hindi nakasuot ng helmet at safety gears.

Araw-araw itong isasagawa ng BCPO-Traffic sa lahat ng police station sa Baguio City.


Suportahan natin ang hakbang na ito mga lodi.

Facebook Comments