Nitong Lunes, November 6, 2017 nang magsimula ang Planning Workshop on Community-Based Prevention of Violent Extremism in the Bangsamoro sa Davao City.
Pinangangasiwaan ni Bangsamoro Development Agency (BDA) Executive Director Dr. Muhammad S. Ya’acob ang naturang aktibidad na matatapos sa Sabado. Ang planning workshop ay suportado ng Centre for Humanitarian Dialogue (CHD) ng The Asia Foundation ( TAF ).
Ang BDA bilang development arm ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay may isang dekada nang karanasan sa community driven development programs, naatasan itong maglinang ng mga programa tungkol sa pagsawata sa violent extremism.
Kapalit umano ng inisyatibong ito ay kapayapaan at katatagan ng Bangsamoro communities.
Facebook Comments