Isa ang bansa natin ang may pinakamaraming holidays. Kaya naman big deal sa ating mga pinoy ang mga petsang ito lalong lalo na sa mga manggagawa.
At paparating na naman ang mga sunod-sunod na walang pasok na araw.
Anumang holiday ang maaprubahan at ma-deklara ng gobyerno sa buong bansa isa ang sigurado, walang pasok ang mga estudyante. Ngunit iba ang usapan sa mga manggagawa. May mga klase ng trabaho na kinakailangang pumasok at mag-trabaho.
Dahil dito ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment ay may alituntuning sinusunod sa pagbabayad sa mga serbisyong nagamit tuwing regular at special non-working holidays.
Ang mga Regular Holidays ay hindi nababago ang petsang itinakda tulad ng Pasko, Bagong Taon, Araw ng Kalayaan, puwera ang mga Araw ng mga Bayani, Holy week, Eid’l Fitr, and Eidul Adhan a depende kung kelang araw papalo taon taon.
Samantala, ang Special non-working holidays naman ay maaring mabago sa pamamagitan ng pagsabatas dito ng kongreso o sa direktiba ng pangulo.
Sa mga manggagawang papasok sa araw ng holidays narito ang alituntinin ng DOLE pagdating sa sahod at ang listahan ng mga regular at special non-working holidays sa ating bansa.
Photo-credited to Google Images