Bea Alonzo at Dominique Roque, namataan ng ilang fans na magkasama sa Amanpulo

Nakita ng ilang fans ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominique Roque na magkasamang nagbabakasyon sa Amanpulo.

Nagkaroon kasi ng espekulasyon ang supporters nina Bea at Dominic matapos makita ang solo pictures nila na parehong nasa sikat na private island sa Palawan.

Nakumpirma naman ng netizens na magkasama nga ang dalawa sa isla matapos kumalat sa social media ang ilang ebidensya at mga larawan na kuha ng fans na magkakatugma.


Sa ngayon kasi ay hindi pa nagpo-post sina Bea at Dominic ng kanilang litrato na magkasama.

Samantala, wala pang binibigay na kumpirmasyon ang dalawa kung sila ay nasa isang romantic relationship na.

Facebook Comments