Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, magbabalik tambalan daw?

Sa kabila ng kinahaharap ng bansa ngayon dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis ay naghatid ng kilig sa mga fans ang tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Sa Instagram ni John Lloyd at Bea kasi ay ipinakita ng dalawa ang kanilang gagawing project sa direksyon nina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Ayon sa post ng dalawa, magpe-perform sila ng isang fiction story sa susunod na linggo ng isang love story na patungkol daw sa sitwasyon ngayon.


Bukod dito, wala pa namang ibang detalyeng inilabas ang dalawa kaugnay sa gagawin nilang project.

Matatandaang huling nagpakilig sa big screen sina Bea at Lloydie noong 2015 sa pelikulang “A Second Chance” na kanilang pinagbidahan.

Facebook Comments