Bea Alonzo, Gerald Anderson – enjoy sa kanilang holiday vacation

Spotted ang kapamilya stars na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson na magkasamang nagbabakasyon sa Japan ngayong holiday season.

Sa kanilang Instagram accounts, makikita na magkasamang nag-e-enjoy ng dalawa sa winter season sa nasabing bansa.

Kasama nina sa kanilang bakasyon ang ama ni Gerald na si Gerald Randy Anderson Sr.


Kita pa sa mga larawan ang iba’t ibang kilalang destinasyon sa naturang bansa kabilang ang Osaka, Tokyo, Nara at Hokkaido.

Facebook Comments