Bea Alonzo, ibinulgar ang pinakamalaking kontrobersya sa kanyang career!

50

Inamin ni Bea Alonzo na ang breakup nila ng aktor na si Gerald Anderson ang pinakamalaking kontrobersiyang kinaharap niya sa kanyang 20 years sa showbiz industry.

Say ni Bea, bukod sa nagtrending ang hiwalayan nila ni Gerald ay umabot pa ito sa Supreme Court matapos na magreact si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa isyu noong kasagsagan ng kanilang breakup.


Lalo pa kasing naging kontrobersyal ang isyu matapos na madawit si Julia Barretto na itinuturong third-party matapos na mamataan si Gerald na kasama si Julia sa birthday celebration ng aktor na si Rayver Cruz.

Aminado si Bea na hindi siya prone sa intriga pero halos ilang linggo rin daw naging trending ang kanilang breakup kung saan nauso pa sa social media ang #ghosting matapos na bigla na lang daw siyang iniwan sa ere ng longtime boyfriend na wala silang pormal na pag-uusap.

Facebook Comments