Beach photo ni Pia Wurtzbach kasama ang boyfriend na si Jeremy Jauncey, inulan ng komento

892

Halos sumabog ang mga komento ng netizens matapos ibahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang beach photo nila ng boyfriend na si Jeremy Jauncey na kuha sa Maldives.

Sa nasabing post, lutang na lutang ang sexy figure ni Pia sa kaniyang peach bikini habang hindi rin nagpakabog ang kaniyang boyfriend na walang suot na shirt at kita pa ang abs.


Biro pa ng mga kaibigan ni Pia na si Divine Lee at BJ Pascual, parang may papiging daw dahil nag-uumapaw ang hotness ng couple.

Marami naman sa mga nakakita ng picture ang napasabi na “smoking hot” ang litrato ng magkasintahan.

Sabi naman ni Miss International Queen 2012 Kevin Balot, “PIA! Nasa iyo na ang lahat.”

Isang taon nang magkarelasyon sina Pia at Jeremy na nagdiwang ng first anniversary noong December 31, 2020.




Facebook Comments