BEACH RESORT SA BOLINAO, IPINASARA MATAPOS ANG REKLAMO NG UMANO’Y OVERPRICING AT ILEGAL NA PAGPAPATAYO SA PROHIBITED ZONE

Pinatawan ng temporary closure ang isang beach resort sa Bolinao matapos ang masusing balidasyon ng lokal na pamahalaan sa mga isinampang reklamo laban dito.

Ang naturang resort ay inirereklamo matapos ang umano’y pananamantala sa mga naging guest na siningil umano nang sobra.

Sinita at sinira rin ng Municipal Engineering Office ang ilegal na pagpapatayo ng konstruktura sa tukoy na prohibited zone sa bahagi ng baybayin.

Sa anunsyo ng tanggapan online, ilang residente at guests ang nagpahayag ng pagsang-ayon sa pagsasara ng beach resort dahil nararapat lamang umano na masilip ang serbisyo ng bawat establisyimento.

Iginiit din ng lokal na pamahalaan ang striktong pagpapatupad ng mga regulasyon upang patuloy na napapangalagaan ang kalikasan kasabay ng pag-unlad ng turismo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments