BEACH WEDDING | Coleen Garcia, nagbigay na ng ilang detalye kasal nila ni Billy Crawford

Manila, Philippines – Finally! Nagbigay na ng ilang detalye tungkol sa kanilang kasal ang aktres na si Coleen Garcia.

Kwento ni Coleen, gaganapin ang kanilang beach wedding sa buwan ng Abril.

Gayunman, hindi pa rin mapilit ang aktres na mai-reveal ang exact date ng kanilang kasal.


Tiniyak naman ni Coleen na may naka-standby na chapel sakaling umulan sa mismong araw ng kanilang beach wedding.

Tatayong Maide of Honor si Ria Atayde na ayon kay Coleen ay siya na ring punong abala sa pagpaplano sa kanilang kasal kaya naman very thankful siya sa kapwa-aktres.

Kabilang naman sa mga principal sponsors sina Dra. Vicki Belo at Dr. Steve Mark Gan.
Tumanggi muna siyang sabihin kung sino ang mga ninong at ninang dahil hindi pa raw kumpleto ang kanilang listahan.

Nang tanungin naman tungkol sa honeymoon, gusto raw ni Coleen na mag-drive sila kaya target nilang bumisita sa States o Europe.

Facebook Comments