BEACHES AT RESORTS MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG PNP PANGASINAN

LINGAYEN, PANGASINAN – Mahigpit na binabantayan ngayon ng Pangasinan PNP ang mga beaches at resorts sa lalawigan ng Pangasinan dahil tiyak na maraming turista na ang bibista sa lalawigan dahil sa status nitong MGCQ.

Ayon kay PLTCOL. Ferdinand De Asis, Deputy Provincial Director for Operations ng Pangasinan Police Provincial Office, ipinapaalala pa rin nila sa mga beachgoers ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health protocols gayundin ang pagsiguro na ligtas din ang mga ito mula sa mga untoward incidents.

At kanilang sinisiguro na may mga naka-deploy na mga pulis sa mga tourist destination sa probinsya lalo na ang mga karagatan na madalas pasyalan ng publiko upang makaiwas na rin sa pagkalat ng COVID-19.


Samantala, hinihikayat pa rin ng mga awtoridad na bago magbiyahe at siguraduhing nakapagparehistro sa S-PASS at Tara na.ph.###

Facebook Comments