BEACHGOERS SA PANGASINAN, BINALAAN SA PANGANIB NG RIP CURRENTS

Matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon, dagsa pa rin ang mga beachgoers sa iba’t ibang baybayin sa Pangasinan.

Dahil dito, nagpaalala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko na dahil sa amihan, inaasahan ang malalakas na alon at mas mataas na tsansa ng rip currents sa mga baybayin.

Hinihikayat ang lahat na huwag maging kampante kahit mukhang tahimik ang dagat at laging sundin ang babala ng lokal na pamahalaan at lifeguards.

Ayon sa PDRRMO, kung mahila sa rip current, huwag labanan ang daloy kundi lumangoy papalabas sa direksyon ng agoa at patungo sa dalampasigan.

Kung hindi makalabas, magpalutang sa tubig at agad na iwagayway ang kamay kung kailangan ng tulong.

Ayon sa tanggapan, ang wastong kaalaman at pag-iingat ay mahalaga upang masiguro ang kaligtasan habang nagkakasiyahan sa dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments