How true ang chikang nag-aaway ngayon sa totoong buhay sina Beauty Gonzales at Dimples Romana.
Hindi lang daw pala sa kanilang teleserye na pinagbibidahan matindi ang awayan ng dalawa kundi sa off-cam din.
May nagaganap daw kasi na kompetisyon sa dalawa matapos na mag-trending si Dimples na naka-red dress at luggage na nagkaroon ng santambak na memes.
Dito raw ay naging malala na ang away ng dalawa matapos na mag-maldita si Dimples kay Beauty.
Isa na nga rito ang pagko-courtesy call ni Dimples kay Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat kung saan nag-solo ang aktres gayong ang original plan pala ay dalawa sila ni Beauty na dadalaw sa opisina ng kalihim.
Hindi na lang daw kumibo si Beauty pero dito na nagtuloy-tuloy ang awayan ng dalawa.