Beauty Gonzales – clueless sa hiwalayang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

Clueless daw ang aktres na si Beauty Gonzales tungkol sa dahilan ng hiwalayan nina John Lloyd Cruz at kaibigan niyang si Ellen Adarna.

Say ni Beauty, hindi niya alam ang totoong sitwasyon ng relasyon ngayon nina Ellen at John lloyd.

Isa naman sa mga lumabas na rason kung bakit nauwi sa break up ang relasyon ng dalawa ay dahil daw sa kagustuhan ng aktres na magbalik-showbiz.


Lalo pang naging matunog ang espekulasyon nang lumabas ang endorsement ni Ellen para sa isang aesthetic clinic.

Ayon kay Beauty, happy siya sa pagbabalik-trabaho ng kanyang kaibigan pero sa tingin niya, hindi na babalik sa pag-arte si Ellen at sa halip ay sa paggawa na lang ng mga endorsement.

Ito ay dahil full-time mom na raw ang aktres.

Facebook Comments