Beauty Gonzales, nagkaroon ng weekend getaway kasama sina Ellen at John Lloyd

Nagkaroon ng weekend getaway ang aktres na si Beauty Gonzales kasama si Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Makikita sa Instagram stories ni Beauty ang mga larawan kasama sina Ellen at John Lloyd gayundin ang kanyang mister na si Norman Crisologo at anak nilang si Olivia.

Sa isa sa mga larawan ay makikita ang naka-blur na mukha ng isang batang lalaki na sinasabing anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias Modesto.


Hindi naman tinukoy ng aktres kung saang lugar sila nagbakasyon ng kanyang pamilya kasama sina Ellen at John Lloyd.

Facebook Comments