Isang magandang balita para sa buong Pangasinan, ang pagkakabilang ni Limgas na Pangasinan 2024 Pearline Joy M. Bayog, sa opisyal na listahan ng mga pambato sa prestihiyosong Mutya ng Pilipinas 2025!
Si Pearline Joy M. Bayog mula sa Brgy Libsong West, Lingayen, ay unang nakilala matapos tanghaling Mutya sa Limgas na Pangasinan noong nakaraang taon, kung saan ipinamalas niya ang kanyang ganda, talino, at malasakit sa kapwa. Bukod sa korona, hinirang din siyang Miss Friendship, isang patunay ng kanyang kababaang-loob at likas na karisma.
Sa kanyang pagsabak sa pambansang kompetisyon, layunin niyang ipagmalaki ang kulturang Pangasinan at isulong ang mga adbokasiyang pangkalikasan.
Kilala si Bayog sa kanyang aktibong partisipasyon sa mga proyektong pangkapaligiran, kabilang ang coastal clean-up drive sa Lingayen Beach.
Para sa kanya, ang pagiging beauty queen ay higit pa sa korona, dahil ito ay pagkakataong magbigay inspirasyon at tumulong sa kapwa nang may puso at layunin.
Sa kanyang paglahok sa Mutya ng Pilipinas 2025, dala ni Pearline Joy Bayog ang dangal ng Pangasinan at ang mensahe na makikita sa pusong handang maglingkod ang tunay na kagandahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









