
Ganap nang batas ang panukalang pagtataas ng bed capacity sa Philippine General Hospital o PGH.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang batas noong May 21, 2025.
Batay sa Republic Act no. 12210, itataas sa 2,200 ang bed capacity ng ospital mula sa kasalukuyang 1, 334 beds.
Sa ilalim nito, paiigtingin din ang existing hospital facilities at professional healthcare services ng PGH ay i-upgrade para makasabay sa gagawing pagtataas ng bed capacity ng ospital.
Isasama sa General Appropriations Act ang kakailanganing pondo para dito.
Facebook Comments









