Bed capacity para sa mga COVID-19 patient sa Pasay City General Hospital, nasa 60% na

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Pasay City General Hospital (PCGH) na nasa 60 percent na ang kanilang bed capacity na nakalaan para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Dr. John Victor de Gracia, ang Officer-in-Charge ng PCGH, karamihan sa mga naka-confine sa kanila ay may mga pasyenteng may moderate to severe na kaso dulot ng COVID-19.

Sinani pa ni Dr. De Gracia, may isang pasyente rin sila na tinamaan ng South African variant pero nakarekober na ito at nakauwi na noong isang araw.


Aniya, ang ibang pasyente ay hindi naman nahawaan o nakitaan ng sintomas ng bagong variant pero kanila pa rin nila itong inoobserbahan.

Nabatid na ang PCGH ay mayroong 150 bed capacity at 59 ang nakalaan para sa mga pasyente na tinamaan ng virus.

Dagdag pa ni Dr. De Gracia, nasa walo mula sa 500 healthcare workers ng PCGH ang nagpositibo na sa COVID-19 na kanila naman mino-monitor ang kalagayan.

Facebook Comments